Ano ba ang salitang bayani?
Sinu-sino ba talaga sila?
Siya ba yung may suot na kodigo,
O di kaya’y yung tipong wow, macho?

Gaano man kadami ang uri,
Bayani kong siya’y nananatili,
Pagkat sa araw-araw kong buhay,
Kailanman kami’y walang iwanan.

Gutom, pagod at sakit sa ulo,
Hinamon niya ng walang reklamo.
Iyan ang aking nag-iisang nanay,
Mapagmahal, magaling ,mahusay.

Kanyang ngiti, tapak ko sa langit.
Kanyang luha, lupa’y naging abo.
Kabuuang pusong nagmamahal,
Walang sinumang makapagpapalit.

At mula sa sinapupunan
Ako’y kanyang inaruga…
Isang maliit na laman,
Na punung-puno ng dugo.

Pagod ng siyam na buwan siya’y nakalipas,
Nang sa wakas ako’y makalabas.
Sa mundong kulob at puno ng dilim,
Kanyang pag-ibig puno ng lalim.

Araw gabi ng aking iyak,
Parang pitong beses siya’y sinaksak,
Mula duyan hanggang sapatos,
Kinarga niya ako at walang patalo

At yaong oras ng aking pagtanda,
Aking inasikaso ay paano gumanda,
At nakalimutan ang pinakamahalaga,
Na si nanay nga pala ang siyang nagbunga…

Ngayon marahil ika’y magtanong ,
Bakit si nanay iyong bayani?
Simple lang naman ang aking sagot,
Dahil ako’y naniniwala na…

Ang bayani ay siyang di lang nandiyan,
Upang mundo mo ay paikutin,
Ngunit ang pinakamahalaga,
Puso mo iyang kanyang kayang pabutihin.

Kaya sana’y mga kaibigan,
Inyong nanay, siya’y pahalagahin,
Dahil nag iisa lamang yan
At walang makakapagpantay ninuman.

Photo Courtesy to Google Images