Ngayon nalalapit na ang halalan, naisip ko sa sarili ko “Ano nga ba ang gusto ko sa isang presidente?” Nandiyan na ang mga kampanya, iba’t ibang pakulo at punchline ng bawat kandidato ang makikita natin, nandiyan ang “daang matuwid”, “sa makati”, “in 3-6 months aayusin ko ang krimen” at kung ano ano pa. Pero ano nga ba ang mga katangian na hanap ko sa isang pangulo?

Una sa lahat, ito ay aking mga opinion lamang. Wala sanang “mabubutthurt” o “magkakaviolent reactions” dito. Kaya ito na, isa isahin natin ang mga bagay na gusto ko sa isang pangulo.

 

ANG GUSTO KO AY…

 

Matapang, yung di matatakot sa mga malalaking tao na maaaring makabanggaan niya kung sakali man may batas na gagawin.

 

Kakatakutan, yung tipong magdadalawang isip ka gumawa ng kalokohan. Yung alam mong ang batas ay batas at hindi ito dapat malabag dahil may kapalit na parusa ang gagawin mong di tama.

 

Di makikipagkumprimiso sa ibang pulitiko para sa kanilang personal na hangarin. Yung alam mo na ang gusto ay umunlad ang bayan, hindi ang kanyang bulsa at bank account.

 

Di madaldal at puro gawa, ika nga nila “action speaks louder than words”. Di lamang sa magjojowa applicable ito kundi para sa susunod na presidente ng ating bansa. Sawa na tayo sa mga presidenteng nangangako na aayusin daw ang bayan. puro paninira sa nakaraang administrasyon , at puro kwento tungkol sa ginawa ng kanyang mga magulang ilang dekada na ang lumipas.

 

Kayang pagkaisahin ang mga Pilipino. Yung tipong kayang pumunta sa mga kung tawagin nila ay “rebelde” ng buo ang loob. Yung kayang kausapin sila para maayos ang matagal ng alitan nila sa administrasyon. At higit sa lahat, may kakayahan na magsalita sa harap ng milyong-milyong Pilipino at sabihin na “Mahalin mo ang inang bayan sunod sa Diyos. Magsasama tayo para ikauunlad ng bansang Pilipinas!”.

 

Kayang pugsain ang krimen. Ilang beses na ko nakawitness ng holdapan at pangunguha ng gamit ng mga snatcher at sa patuloy na pagkampi ng Commission on Human Rights sa mga kriminal na naagrabyado(daw, sabi ng CHR) ay tila ata mas lalong dumadami at nagkakalakas ng loob gumawa ng kalokohan ang mga kolokoy. Gusto ko ung pag sinabi niyang “stop or else i’ll shoot you” ay tatayo ang mga balahibo ng mga kriminal at talagang titigil sila sa mga kawalang hiyaan nila.

 

Straight to the point. Pag nagsalita siya, walang paninira sa ibang kandidato, walang pagyayabang sa kanyang mga nagawa. Kung issue ang pinaguusapan, ung issue lang, wala ng ibang satsat. Yung pag nagsalita, alam mo na totoo ung sinasabi niya.

 

May respeto sa kapwa pulitiko. Oo, maraming loko lokong pulitiko pero mas maganda siguro kung magrerespetuhan sa dahil sa huli, tumakbo sila hindi para magpasikat kundi para maglingkod sa bansang Pilipinas.

 

May alam sa batas, yung di malilinlang ng maaaring makaaway ng bansa gamit ang mga treaties. Yung kayang ipagtanggol ang bayan niya gamit ang karanasan at kaalaman niya sa batas. Isang presidenteng alam ang ginagawa, alam ang constitution pati ang international laws.

 

Di nagmamalinis. Yung kayang aminin ang mga kasalanan na nagawa niya at aminado sa mga kapalpakan na nagawa niya sa kanyang panunungkulan. Di siya magmamarunong at handang tumanggap ng pamumuna sa kanya ng taong bayan.

 

May isang salita. Hindi ung nangangako na magpapasagasa sa LRT pag di natapos ang proyekto nila noong 2015. Oo, Mr. Aquino, ikaw ang tinutukoy ko dito. Di naming kailangan ng pangulo na walang isang salita, gusto ko ung may paninindigan sa kanyang sinasabi. Yung may intergridad at gawa.

 

May positibong pananaw sa buhay. Gusto ko yung pangulo na nakikitang uunlad ang Pilipinas. Saan pa nga ba magsisimula ang pagbabago? Kundi sa pagiisip. Kung ang pangulo natin ay nakakakita ng pagasa na magiging maunlad ang bayan natin. Yung tipong, in 10 years alam niya na gaganda ang Pilipinas, malamang gawan niya to ng paraan para makamit.

 

Mahal ang inang- bayan, sunod sa Diyos. Kagaya nga ng una kong sinabi, gusto ko ay ung kayang sabihan ang bawat mamamayan na mahalin ang ating bansa. Siyempre bilang pangulo, di niya lamang sasabihin un, bagkus isasabuhay niya ang pagmamahal sa bayan na dapat tularan ng bawat tao sa ating bansa.

 

May banal na pagkatakot at pagmamahal sa Diyos dahil alam ko na kapag may respeto at pagibig sa Diyos ang isang lider ng bansa ay di niya kayang gumawa ng kalokohan at korapsyon sa kanyang termino. Alam niya din na siya ay itinalaga ng Diyos na maging pastol ng ating bansa para ayusin at mas lalong pagbutihin ang estado ng Pilipinas. Isang malaking responsibilidad ang pagiging pangulo, alam niya na kapag ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para sa pansariling interes ay mananagot siya sa Diyos.

 

Ikaw kaibigan, anong gusto mo? Maaaring magkomento para ating talakayin ang ating iba’t ibang pananaw ukol sa mga gusto natin sa isang taong mamumuno sa ating bansa.

 

Image Credits:

  • http://xixo7.deviantart.com/art/Philippine-Flag-91225874